Tuesday, August 19, 2008

Walang kaduda-dudang naging matagumpay nga ang kolonisasyon ng Espanya sa bansang Pilipinas dahil sa matinding impluwensya nito na nagbigay-daan sa malaking pagbabago ng kulturang Pilipino mula sa sinaunang Pilipino hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Maraming pagbabago ang naganap sa aspetong pang-ekonomiya, pampulitikal, sistemang edukasyon, kultural at lalung-lalo na sa paniniwala ng mga Pilipino. Pero ang pinakaepektibo at nananatili pa rin sa panahon ngayon ay ang pagiging Kristiyano ng mga Pilipino at ang sistemang pamamahala sa ating bansa.
Unang ipinakilala sa ating bansa ang Kristiyanismo sa katauhan ni Ferdinand Magellan na malugod namang tinanggap ng mga sinaunang Pilipino. Simula noon, marami nang misyon ang isinagawa ng mga Agustino, Hesuita, Dominiko, Pransiskano at iba pang misyonaryong pari para ipalaganap ang Kristiyanismo sa bawat bahagi ng ating bansa. Ito ang naging dahilan kung bakit tuluyan nang naging Kristiyano ang karamihan sa mga Pilipino at naging tulay sa pagsibol ng bagong kultura ng mga Pilipino.

Kung iisipin natin, bakit tayo my simbahan, semenaryo, at bakit tayo nagsisimba? Bakit tayo nagdidiwang tuwing piyesta? Talagang kapuna-puna ang mga bagay na ito sa buhay ng mga Pilipno. Ang pagtatayo ng mga simbahan at ang pagsisimba na nakahiligan na natin ay bahagi ng impluwensya ng Kristiyanismo. Ang paniniwala natin sa mga santo o poon ay dulot din ng Kristiyanismo na siyang naging dahilan kung bakit tayo nagdiriwang tuwing piyesta. Masasabi natin na maimpluwensya nga ang Kristiyanismo sa buhay ng mga Pilipino dahil binago nito ang mga karaniwang gawain ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas tungo sa pagdarasal natin, pagninilay-nilay at pagdiriwang natin ng mga mahahalagang araw tulad ng piyesta at Pasko. Malaki rin ang kontribusyon ng Kristiyanismo sa literatura at sining ng mga Pilipino. Nagkaroon tayo ng cenaculo, comedia, moro-moro at corrido. Ang cenaculo ay
Isa pang maimpluwensyang dulot ng kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas ay ang organisadong sistema ng pamamahal sa bansa. Ito ay ang pagkakaroon ng mga namamahala o namumuno sa kabuuan hanggang sa maliliit na bahagi ng bansa. Ang presidente bilang pinuno sa buong bansa, ang gobernador bilang namamahala sa probinsya o lalawigan, ang mayor bilang puno ng bayan, at ang kapitan bilang pinuno ng barangay ay impluwensya ng mga Espanyol. Ang ganitong sentralisading gobyerno ay sumibol noong panahon pa ng mga Espanyol at nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan. Kahit may kaunting mga pagbabago , nariyan pa rin ang pagigng organisado at sentralisado na pamamahala-mula sa presidente bilang pinuno ng bansa hanggang sa kapitan bilang namumuno sa barangay.
Sa kabila ng matagumpay na pananakop ng Espanyol, nagawa pa rin ng ilang Pilipino na tanggihan ang kanilang hangarin. Partikular na dito ang mga Moro. Bago pa dumating ang mga Kastila sa ating bansa, pinamamahalaan na ng mga Muslim ang Mindanao, Sulu, at Tawi-tawi, at sa mga lalawigan ng Basilan at Palawan. Sila ay may ugnayan din sa ibang bansa kabilang ang Tsina sa aspetong pangangalakal. Sa panahong dumating ang mga Espanyol sa bansang Pilipinas, sinikap nila na sakupin ang ang bahagi ng Mindanao at Sulu. Hindi pumayag ang mga Muslim na hayaan ang mga Espanyol na mamasukan sa kanilang kinalalagyan kaya bilang sagot sa kanilang aksyon, inatake nila ang mga lugar sa Luzon at Visayas na nasa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.